Credits to http://studentofthebeautifulgame.blogspot.com/ |
Between vs Among
Ako mismo ay napapansin ko ito hindi lang sa mga Pinoy writers kundi pati na sa mga native speakers ng English. Kapag nagbabasa ako ng mga articles online ay may mga napapansin parin talaga akong mga manunulat na hindi alam ang tamang paggamit sa dalawang salitang ito. Basically, between is used when pertaining to two things only. It may be between two person, things, places, or whatever. Kapag dalawa lang, between ang ginagamit. Ang among naman ay ginagamit kapag three or more ang mga bagay na involved. Halimbawa, between you and me; among the group; between twins; among the class; etc.
All Ready vs Already
Okay, this one I myself find it a little hard to assess sometimes. Kadalasan ay talagang tumitigil pa ako para isipin ng mabuti kung ano ang tamang gamitin. Kapag sinabing all ready, ang ibig sabihin ay completely ready. As in ready na ang lahat kaya nga all ready. LOL! Kapag naman sinabing already, ibig sabihin ay naganap sa nakaraan or something like that. Halimbawa, I'm all ready to go; the movie has already begun; etc.
Beside vs Besides
Eto naman ay sobrang common hindi lang sa written form kundi pati na din sa mga normal na conversation. Hindi lang iisang beses na may nakakakuwentuhan akong kaibigan o kailala na parang bigla kong gustong i-edit ang paggamit nila ng mga salitang beside at besides. And beside ay isang preposition. Kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng preposition, mag-open ka ng new tab at i-Google mo kung ano ito. LOL! Ang ibig sabihin ng beside ay by the side of or next to something. Kung ang beside ay preposition, and besides naman ay pwedeng maging preposition o adverb. Muli, kung hindi alam ang ibig sabihin ng adverb, magbukas ng bagong tab at i-Google iyon. Moving on, ang ibig sabihin ng besides bilang preposition ay in addition to or aside from. Kapag ginamit naman ang besides bilang adverb, ang ibig sabihin ay parang furthermore. Halimbawa, I put my phone beside the TV; besides the bill, I also gave a tip (preposition); don't talk to me that way, besides I'm older than you (adverb).
All Right vs Alright
Ang totoo niyan, ang salitang alright ay hindi talaga formally recognized as an English word. Sa pagkakaalam ko, ito ay maihahalintulad sa mga salitang colloquial o informal na naging popular at common sa mga tao pero hindi naman maikokonsidera na parte talaga ng ating lenggwahe. Pero nagbabago naman ang lahat at from time to time ay ina-update din ang ating mga lenggwahe kaya I think alright is already acceptable. So moving on, ang all right at alright ay tulad lang din ng all ready at already. Kapag sinabing all right, ibig sabihin maayos ang lahat. O kaya ay tama at eksakto ang mga iyon. Kapag sinabi namang alright, it's like saying okay. Halimbawa, the answers are all right; are you alright?
Everything vs Every Thing
Tulad ng beside at besides, ito ay isa sa mga common na nae-encounter ko. Although hindi ito obvious sa spoken language kasi pareho naman ang kanilang tunog, napakacommon nito sa written works. Alam kong maliit na bagay lang naman ang space sa pagitan ng every at thing pero sa may diperensiya parin ito sa ibig sabihin. Kapag sinabing everything, ibig sabihin ay tinutukoy mo ang kabuuan ng isang bagay. As in lahat-lahat. Kapag naman sinabing every thing, ito ay tumutukoy sa bawat isang maliliit na bagay na bumubuo sa isang malaking bagay. Halimbawa, I will give you everything; every little thing he does is magic (I know it's a song, and it's a perfect example.).
Sa ngayon ay hanggang dito na lang muna. Actually, madami pa ito pero sa susunod na lang uli ang iba pa. Let me know if you have suggestions or reactions.
Comments
Post a Comment