Comment on A Writer's Best Friend

Bago ako naging writer at author ay naging editor muna ako. Hindi ng fiction kundi ng magazine at journal. As a matter of fact, my first job ever was as a junior copyeditor for an outsourcing company and my second job was as a magazine editor, which I will discuss some other time. Sa ngayon ay gusto kong magfocus sa kahalagahan ng copyediting at proofreading.

Bilang isang baguhang manunulat ay palagi akong naghahanap ng iba't ibang paraan kung paano mai-improve  ang aking writing skill. Maliban sa pakikipagpalitan ng kaalaman sa mga kaibigan kong writers at editors ay mahilig din akong magbasa ng kung anu-anong bagay na pwedeng makatulong sa akin sa Internet. Dahil nga dito ay nakarating ako sa website na Daily Writing Tips. Siyempre pa ay pinili ko agad ang Fiction Writing na option. At doon nga ay natagpuan ko ang isang interesting na article na pinamagatang A Writer's Best Friend.

Hindi ko na uulitin pa kung anuman ang mga nakalagay sa article na 'yan. You can just click on the link and read it yourself. LOL! Ang gusto kong gawin ay i-quote ang ilan sa mga sinabi ng author na talaga namang sapul na sapul ang punto.
...there’s a strong correlation between good writers and good grace when it comes to responding to grammatical and syntactical revisions, concomitant with the disturbing degree to which many poor writers protest such improvements.
Base sa aking pagkakaintindi, ang gusto niyang iparating ay iyong magagaling na manunulat ang siyang open sa mga revisions samantalang iyong hindi naman kagalingan ay sila pang tumatangging tanggapin ang mga criticisms na maaaring makatulong sa kanilang pagsusulat.

Ipinapaliwanag ng article na ito kung gaano kahalaga na ma-copyedit at ma-proofread ang isang manuscript. Totoo nga naman na bilang writer ay mahirap maging objective sa sarili mong gawa. May mga bagay talaga na makikita lang ng taong nasa labas at nago-obserba.

Idinugtong pa niya:
Another wise strategy is to have a little humility about one’s writing ability and the value of one or more objective second opinions.
Ang isa naman sa mga comment sa article na ay nagsabing:
The whole point of editing is not to “change” a book but to smooth it out, get rid of redundancies and obvious errors, make it something compelling enough that a reader won’t put it down with disgust after a couple of paragraphs. 
I totally agree with this. Then he went on to saying if it's a literary garbage, it's possible that the only person who would appreciate it is the author himself.

At ang pinakapaborito kong comment ay ito:
I always say the sign of a poor writer is one who doesn’t want to be edited. Part of being mature is realizing that everyone needs the help of a good editor.

Comments

  1. Hi, Kensi. I liked this, too! --> "...the sign of a poor writer is one who doesn’t want to be edited."
    This is Camilla (PHR). Glad to discover your blogs.

    ReplyDelete

Post a Comment