The Draft and the Build-up Factor

Ako iyong isa sa mga writer na mahilig gumawa ng draft. Hindi naman ito strict na draft. Basta ang gusto ko lang ay palaging nakasulat iyong mga bagay na gusto kong mangyari sa aking kwento. Inaamin ko na makakalimutin ako. Naiinggit nga ako sa mga taong napakatalas ang memory.

So bakit ko nga ba sinasabi ang bagay na ito? Well, gusto ko lang i-share ang tungkol sa habit ko na paggawa ng draft at ang tinatawag na build-up factor. Ano ba itong build-up factor na ito. Para sa akin ito 'yung intro patungo sa mas bonggang scene. Kumbaga sa kanta, ito 'yung refrain bago mag-chorus. Sa isang palabas naman, ito 'yung slow motion part bago ang bonggang eksena. Sa mga contests, ito 'yung drum roll bago ang announcement ng winner.


Para sa akin, ang build-up factor ay isa sa pinaka-importanteng elemento ng isang kwento. Ito 'yung "anticipation" part. Ito ay para gawing mas kapana-panabik ang mga susunod na eksena. It makes the reader want to know what's gonna happen next.

Drafting the Draft
Masaya din ang gumawa ng draft habang
tumatambay sa coffee shop.
Kapag nagsusulat ako ng nobela, palagi akong may katabing notebook. Isinusulat ko doon ang lahat ng bagay na gusto kong mangyari. Iyon ang paraan ko para hindi ako maligaw sa ibang landas. Ako kasi iyong klase ng writer na gusto ko palagi ay mayroon akong ultimate goal. Halimbawa, ang goal ko ay aksidenteng magkikita si bidang lalaki at bidang babae. Isusulat ko ang "accidental meeting" sa aking notebook. Ngayon habang nagsusulat na ako sa aking computer ay sinusubukan kong mag-isip ng mga eksena para gawing mas smooth ang kanilang accidental meeting. Ito na ang tinatawag kong build-up factor. Para sa akin ay mas smooth ang takbo ng istorya kapag maganda ang mga transitions mula sa isang scene patungo sa susunod.

Minsan ang nangyayari sa akin ay sa sobrang pagka-engrossed ko sa paggawa ng "build-up scenes" ko ay nalilimutan ko na ang ultimate goal o scene na gusto kong ilagay. Kapag ganito ang nangyayari, sinusubukan kong balikan uli ang mga naunang scenes upang i-assess kung tama ba ang flow.

Nakakatulong ito ng malaki sa akin dahil nabibigyan ko ng maayos na structure ang aking istorya. Mayroon na akong mga nabasang istorya na medyo malabo ang patutunguhan at bilang reader ay hindi ako natutuwa sa mga iyon. Minsan kasi parang nage-expect ako tapos bigla na lang kapag binasa ko na paikot-ikot lang pala ang istorya. Ayokong mangyari ang ganoon sa akin.

The Build-up Factor
Ang sabi nga ng isang kanta ni Miley Cyrus, "it's the climb." Ang pagsusulat at pagbabasa ng magandang istorya ay parang pag-akyat ng bundok. Ang ultimate goal ay makarating sa tuktok. Pero mahaba-habang paglalakbay pa ang kailangang gawin at maraming bagay pa ang kailangang pagdaanan bago marating ang tagumpay. Ang nobela ay binubuo ng 95% na paglalakbay at obstacles.

Taken here
Kapag nagsusulat ako, iniisip ko palagi na dapat kong bigyan ang aking mambabasa ng paunti-unting bagay na maaari nilang kapitan para gugustuhin parin nilang umakyat. Para may tutulong sa kanila upang maging smooth ang kanilang paglalakbay patungo sa ultimate goal, at iyon nga ay ang pagkakatuluyan ng aking mga bida. Para sa akin, ito ang major role ng build-up factor.

Sa bawat pag-akyat, importanteng tama ang trail na dinadaanan mo. Ganoon din sa pagsusulat, dapat ay mayroon kang malinaw na trail. It should be fun and interesting enough. Otherwise, kung puro paghihirap lang din naman, baka nasa paanan ka pa lang ng bundok ay gumive-up ka na agad.

Comments