“Ringggg!!!!!” Susmaryosep! Umaga na pala, nagri-ring na ang alarm clock ko. Naging OA nanaman tuloy ako! Kung bakit ba naman kasi late na late na akong nakatulog kagabi samantalang alas otso pa lang eh nakahiga na ako sa kama.
Unang araw kasi ng klase kaya syempre sobrang excited ako. Halos 'di nga ako nakatulog sa kakaisip kung ano'ng mangyayari ngayong araw na ‘to. Tapos ngayong umaga na parang ayaw ko namang pumasok dahil inaantok pa ako! Hay naku! Buhay nga naman, nakakatuwa!
Pero kahit pano nagpasalamat na lang ako na nakarating ako sa school ng maaga-aga ng konti. At least hindi ako late sa unang araw ng klase. Pagkadaan ko sa guard napansin kong marami na ring mga estudyante sa campus.
Hinanap ko ang mga kaibigan ko, pero sa pinakamalas naman hindi ko sila makita. Feeling left out tuloy ako. Nakakahiya! Feeling ko lahat ng tao nakatingin sakin! Naglakad pa ako nang konti papasok sa loob ng campus. 'Di ko pa rin makita ni isa man sa mga kaibigan ko.
Sa isang side ng campus may nakita akong kumpulan ng mga babae. Tapos may biglang sumigaw! Nagulat pa ako, akala ko naman kung ano na. Napasigaw lang pala dahil dumaan yung crush niya. Ayan, meron nanamang isa! May second voice pa ha! Ano ba yan, bakit ba nagsisigawan ang mga girls dito? Bigla na lang may narinig akong kanta…
“Crush ng bayan, yan ang usap-usapan. Kay rami-raming nagpapapansin kung minsan!” Yuck! Ang baduy ha! Kelan pa nauso ulit ang kantang yan? Napaka-out of date na niyan ah!
Buti na lang nakita ko na ang mga kaibigan ko. Kahit paano nakalimutan ko ang nangyari ng umagang iyon. Ringggg!!!!! Yan na ang bell, ibig sabihin time na.
Pagpasok namin sa classroom napansin kong may bago kaming kaklase. Hiniling ng teacher namin na ipakilala niya ang kanyang sarili at ganun nga ang nangyari. Tapos sa likod ko ang dami kong naririnig na mga bulong-bulungan. Hindi ko na lang pinansin.
Breaktime. Nagkukwentuhan kaming magkakaibigan tapos ewan ko kung paano nangyaring bigla na lang napasok sa usapan namin ang tungkol sa bago naming kaklase. At noon ko nalaman na siya pala ang pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon! Tumahimik na lang ako. Wala naman akong pakealam dun eh. Sino ba naman siya para problemahin ko, db?
Pero kung may nakakainis pa sa pinakanakakainis, eh yun na nga ang nangyari sakin. Sukat ba namang maging ka-partner ko pa yun sa isa naming project. Naging subject tuloy kami ng lokohan. And worst, feel na feel naman niya! Ang kapal talaga! Feeling guwapo!
Well, may karapatan nga naman siya! Guwapo naman talaga. Yan ang sinagot sa'kin ng mga kaibigan ko. Grabe, hindi ako makapaniwala na mas kampi pa ang mga ‘to sa kumag na yun. Nang sandali ring iyon, ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko siya matatawag na guwapo. At hinding-hindi ko siya magugustuhan. As in never!
May heaven come to hell pero hinding-hindi ko iyon papayagang mangyari. Galit ako sa kanya. Ewan ko, basta galit ako sa kanya at ayoko sa kanya.
Mabilis na lumipas ang mga araw at bago ko pa nalaman, pasko na pala. At dahil dun prinopose ng teacher namin na magpresent kami ng isang Christmas special. Ang story ng play ay napagkasunduan na ng klase namin at nakagawa na rin ng script ang aming scriptwriter. Napagkasunduan naming gumawa ng isang modern version ng nobelang Romeo and Juliet. At ngayon ang kulang na lang ay ang mga gaganap sa dula.
Ewan ko ba kung anong nangyari basta ang alam ko may practice kami ngayon. At ngayon nga ay nagsasayaw ako… at kapartner ko siya. Ako nga ang naibotong maging Juliet… at siya, siya ang Romeo. Ngayon may dressed rehearsal kami at may dancing part pa. Ano ba tong napasukan ko? Nakakainis!
Bigla na lang napahinto ako sa ginagawa ko, napatingin ako sa stage. At nakita ko siya. Ginagampanan niya ang isang scene niya sa play. Ewan ko pero napatitig na lang basta ako sa kanya. Sa tagal ng mga practices namin naging malapit na ako sa kanya. At don nga nakilala ko siya ng lubusan. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi naman pala siya katulad ng akala ko noon.
Pagkakita ko sa kanya sa stage, kumaway pasiya sakin at ngumiti. Ngumiti rin ako at kumaway. Nang araw na yon parang lagi na lang akong tulala. Ewan ko nga ba kung bakit. Basta parang napakarami kong iniisip pero wala naman talaga. Napatingin ulit ako sa stage. Nandun pa rin siya. Parang bigla na lang nagbago ang tingin ko sa kanya. Parang sobrang guwapo niya nang mga oras na yon. Oo, naamin ko na yan sa sarili ko, guwapo talaga siya. Kahit pa isinumpa ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ko siya tatawagin na guwapo. Pero iba talaga ngayon eh.
At don… don mismo sa oras na yon ay na-realize ko na mahal ko na nga siya. Napailing ako, sinabi ko sa sarili kong imposible yon. Pero bakit ganun? Feeling ko talaga mahal ko na siya! Sh*t! Hindi pwedeng mangyari yon!
Una, dahil hate ko siya; pangalawa, hindi ang katulad niya ang maaari kong mahalin; pangatlo, hindi kami pwede; at pang-apat hindi parin pwede. Hindi talaga pwede! Bakit ganun? Wala naman siguro akong nagawang masama para mangyari ito sa akin diba? Sa dinami-dami naman ng tao bakit sa akin pa? Wala na akong nagawa. Napaiyak na lang ako. Ewan ko pero umiyak lang ako nang umiyak nang gabing iyon.
Lumipas ang mga araw at napag-isip-isip kong kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano. Ang alam ko lang ay kailangan niyang malaman. At ngayon nga ay nasa harap ko na siya. Nagtataka at siguro natatawa na rin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko basta ito na lang ang lumabas sa mga labi kong nanginginig pa nang magsalita ako habang umiiyak na…
“… sorry ha. Hindi ko naman sinasadya eh. Wag ka sanang magagalit sakin dahil hindi ko naman 'to sinasadya. And it’s not my fault that you have the cutest smile, the nicest pair of eyes, or the best knees-melting look on earth. God knows how I hate not hating you! Hindi ko alam kung anong nangyari, basta nagising na lang ako isang umaga na mahal na kita. I’m so sorry! Believe me when I say I love you. Napakahirap nang ganito, alam mo ba? Maybe harder than you thought, and all I can say for now is sorry. I’m so sorry for falling in love with someone I never meant to love from the start…”
PS. I wrote this sometime during high school. Hindi ko na maalala ang eksaktong time frame.

Comments
Post a Comment